Friday, June 25, 2010

"P.E. uniform"

Nag simula ang lahat sa isang masayang kwentuhan habang nag aantay ng prof sa accounting. Naka upo kami sa lapag ng biglang na puna ng isang BRAGUDANG PROF na naka pang PE uniform kami at sinabi samin "bakit kayo nka pang PE ? ano ba ang subject nyo ngayon PE ba ?" Mga katangang bumasag sa araw ko. kasama ang 3 ko pang kaklase na walang nagawa kundi umalis at magliwaliw sa labas ng paaralan. STA LU. ang lugar na aming napuntahan duon naglabas ng sama ng loob at nasabi nalang "everything happened for a reason"
Nagbuntong hininga sa bawat oras na nagdaan. 1:30pm ang sunod naming klase. Dala ng matinding pagkadismaya sa nangyari ay tinamad na akong pumasok bagkus ay pinilit parin naming makahabol sa commerciel cooking subject namin. Ngunit 2:00pm na ng kami'y makarating sa room 308. Pag kadismaya ang nakita ko sa muka ng isa kong kasama ngunit wala na siyang magagawa dahil 'weather weather' lang yan. Hanggang sa napagdisisyunan na pumunta sa isang internet cafe' ngunit pagdating namin ay walang kuryente. Napaisip ako "bakit ang swerte ko?" hahaha !
Sa 2nd floor kami tumambay, nagliwaliw, nagkwentuhan, nakaramdam ng antok ng biglang dumating si emillio garcia isang artista na fantasya ng aking mga kasama. Pero wala ng mas sasaya pa sa pag pasok namin sa huling subject at iyon ay ang PE. pag pasok sa room 407 kung saan kami mag klaklase ay mapupunang walang prof na nagtuturo. Bakas ang tuwa sa muka ko dahil uwian na agad ang nasaisip ko. sa buong araw ay soc10 lang ang napasukan namin. (ang saya!)


4 comments: